COVID testing sa mga pharmacy target ng gobyerno

COVID testing sa mga pharmacy target ng gobyerno

January 20, 2022 @ 12:08 PM 7 months ago


Manila, Philippines — Pinag-aaralan na rin ng gobyerno ang posibilidad ng pagsasagawa ng COVID-19 testing sa mga pharmacy.

 “Ngayon po ay ina-allow na ‘yan sa mga clinics pero magandang idea po ‘yan  and we will look into that,” ani presidential adviser for COVID-19 response Secretary Vince Dizon sa CNN Philippines’ The Source nang tanungin ukol dito.

 “I think the important thing is, we really have to find innovative ways of trying to live with this—because I think we’re going to have to live with this for the foreseeable future—and we’re going to have to empower people, communities, families to be able to find ways to live and deal with COVID-19.”

Mahalaga rin aniya na payagan ang accredited antigen test kits na maaaring gamitin sa bahay upang matukoy kung may COVID o wala.

“Ang important din, in the same way dito sa ginagawa natin sa mga botika, tingin ko dapat talaga masusi na rin nating pag-aralan ‘yung ginagawa sa ibang bansa na pinapayagan ‘yung mga accredited self-home test antigen kits para mabigyan din ng paraan ang ating mga kababayan na i-exercise ang kanilang mga responsibilidad bilang mga Pilipino at with proper guidance, ay i-test nila ang sarili nila at kung sila ay lumabas na positibo, dapat responsable sila na hindi na sila lalabas ng bahay. Tingin ko ‘yun ang way forward natin,” paliwanag pa nito.

Sa ngayon, 11 manufacturer na ng self-administering COVID test kits ang naghihintay ng approval ng Food and Drug Administration. RNT/FGDC