COVID testing sa returning OFWs libre pa rin – OWWA

COVID testing sa returning OFWs libre pa rin – OWWA

September 10, 2022 @ 2:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nananatiling libre ang COVID-19 testing para sa lahat ng mga returning overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ang ipinaalala ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ngayong Sabado, Setyembre 10 makaraang aprubahan ng Board of Directors ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang resolusyong magpapalawig sa coverage ng COVID testing sa mga returning OFWs.

Alinsunod ito sa Interagency Task Force Resolution No.168.

Ayon saa OWWA, sa PhilHealth Advisory No. 2022-0026, na pirmado ni PhilHealth Officer-In-charge President at Chief Executive Officer Atty. Eli Dino D. Santos ay nagsasabing maglalabas sila sa mga susunod na araw ng circular order para sa guidelines.

“During a special meeting on September 8, 2022, the PhilHealth Board of Directors, convenes and presided by the DOH Officer-In-Charge, approved the continuing coverage of SARS-Cov-2 (Covid-19 virus) testing for returning OFWs,” ayon sa advisory.

Sakop ng libreng COVID testing ang lahat ng mga government-accredited laboratories sa buong bansa. RNT/JGC