COVID tests kada araw, umakyat na sa 10,000

COVID tests kada araw, umakyat na sa 10,000

September 16, 2020 @ 8:35 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umabot na sa mahigit 10,000 COVID test ang naitatala kada araw ng gobyerno.

Ito ang sinabi ni Chief Implementer Secretary Carlito Galvez sa gitna ng  datos na ipinresenta nito na umaabot na sa halos tatlong milyon o nasa 2.9 milyon na ang sumalang sa Corona virus test.

Ayon kay Galvez, ang datos  ay 2.6 percent na ng populasyon ng bansa.

Kaya nga ikinatutuwa nila  ang nasabing development  na kung saan, may isang araw pa na pumalo sa 43,555 ang kabuuang nai- COVID test at iyo ay nitong nakalipas na Setyembre 10.

Samantala, inihayag din ni Galvez na may 102 dalawang mga nagsisipag-aplay pang magkaruon ng lisensiya para maging testing laboratory.

Sa ngayon ay nasa 122 testing laboratories mayroon sa bansa. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...