COVID trend sa NCR, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal pababa na —OCTA

COVID trend sa NCR, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal pababa na —OCTA

January 28, 2022 @ 9:36 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Kumokonti na ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), Batangas, Cavite Laguna at Rizal, ayon sa OCTA Research, Biyernes.

Sa tweet ni OCTA fellow Dr. Guido David na base sa indicators, nasa “moderate risk” classification na lang ang Rizal, habang ang NCR, Batangas, Cavite, Laguna at Quezon ay nananatili sa high risk.

Base sa datos ng gobyerno ang Rizal ay may pinakamababang reproduction rate sa 0.69 sa Calabarzon region hanggang nitong Enero 27, 2022, habang pinakamataas naman ang Quezon sa 1.35.

Bumulusok pa naman ang reproduction rate sa NCR sa 0.52 nitong Enero 27 mula 0.63 nitong Enero 26.

Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng nahahawaan kada isang kaso. Ang Rt na mas mababa sa 1 ay senyales ng bumabagal na hawaan ng virus sa isang lugar.

Pagdating naman sa average daily attack rate (ADAR) ang Cavite sa Calabarzon ang nagtala ng pinakamataas sa 32.66 sinundan ng Laguna sa 31.96 habang ang Quezon ang pinakamababa sa 11.13.

Ang ADAR ng NCR ay nasa 31.13.

Sa positivity rate, kapwa ang Quezon at Laguna pay nakapagtala ng 45% — ang pinakamataas sa Calarzon. Ang positivity rate ng NCR ay 22%.

Sa healthcare utilization rate (HCUR) naman ang Quezon ang may pinakamataas sa Calabarzon sa 52% habang pinakamababa ang Rizal sa 41%. Ang HCUR ng NCR ay 43%. RNT