COVID update: 1,019 dagdag-kaso; 13 pa patay

COVID update: 1,019 dagdag-kaso; 13 pa patay

February 22, 2022 @ 4:04 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy ang pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa gayundin ang aktibong mga kaso.

Sa ulat ng Department of Health ngayong Martes, Pebrero 22, nakapagtala na lamang ng 1,019 na bagong kaso na may kabuuan nang 3,654,284 COVID-19 cases.

Kabuuang 3,541,840 naman ang gumaling na dahil sa karagdagang 2,988.

Mula naman sa 13 naitalang pumanaw ay anim lamang ang naiulat ngayong February, lima noong January, at tig isa naman noong buwan ng October at September.

Sa patuloy namang pagbaba ng aktibong kaso, mayroon na lamang ngayong 56,668.

Karamihan naman sa may mataas na bilang ng kaso ay mild at moderate na sinundan ng severe, asymptomatic at critical.

NCR pa rin ang nangunguna sa top regions na may mataas na bilang ng kasong naitatala na sinundan ng Region 4A at Region 1. Jocelyn Tabangcura-Domenden