COVID Update: 1,038 dagdag-kaso; 51 patay; 1,999 gumaling

COVID Update: 1,038 dagdag-kaso; 51 patay; 1,999 gumaling

February 27, 2022 @ 4:00 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Muling nakapagtala ng karagdagang kaso ng COVID-19 na aabot sa 1,038 ngayong araw.

 

 

 

Mayroon namang naitalang 1,999 na gumaling at 51 na pumanaw.

 

 

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa na 3,661,049 ay

 

1.4%  o 52,961 ang aktibong kaso, 97.0%  o 3,551,687  na ang gumaling, at 1.54% o 56,401 ang namatay.

 

 

Nanatiling nasa top regions ang NCR sa may malaking kontribusyon sa bilang ng nadagdag na kaso .

 

 

Sinundan ito ng Region 6 at Region 4-A.

 

 

Sa bilang ng naitalang mga deaths ngayong araw,  9 lamang ang naganap ngayong buwan ng Pebrero habang ang iba pa ay naitala sa nagdaang ilang buwan. Jocelyn Tabangcura-Domenden