COVID Update: 1,712 dagdag kaso; 77 patay; 3,686 gumaling

COVID Update: 1,712 dagdag kaso; 77 patay; 3,686 gumaling

February 20, 2022 @ 4:00 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Karagdagan pang 1,712 na bagong kaso ng coronavirus disease ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong Feb 20.

Dahil dito pumalo na sa 3,652,203 ang kabuuang kaso ngnaturang sakit.

Sa mga gumaling, nakapagtala rin ng
3,686 dahilan para maging 3,535,987 na sa pangkalahatan.

Nakapagtala naman ng 77 na bagong pumanaw dahilan para umabot na sa kabuuang 55,684 ang namamatay.

Habang ang aktibong kaso ay bumaba na sa 60,532. Jocelyn Tabangcura-Domenden