COVID update: 1,745 dagdag-kaso; 188 patay

COVID update: 1,745 dagdag-kaso; 188 patay

February 24, 2022 @ 4:00 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Napapanatili pa ring mababa ang bilang ng bagong kaso ng coronavirus disease ngayong Pebrero 24.

Base sa inilabas ngayon na latest COVID-19 update ng Department of Health (DOH), umabot lamang sa 1,745 ang kaso ng virus sa bansa.

Bunsod nito, nasa 3,657,342 na ang pangkalahatang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Karagdagang 2,045 na gumaling na may kabuuang 3,546,098 at 188 na nadagdag sa pumanaw kaya umabot na 56,165.

Ang aktibong kaso ay umabot na lamang sa 55,079.

Sa nagdaang dalawang linggo, ang NCR, Region 4-A at Region 7  pa rin ang  nakapagtala ng mataas na kaso ng coronavirus sa mga rehiyon sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden