COVID Update: 214 tigok, 16,989 dagdag-kaso; 24,123 gumaling

COVID Update: 214 tigok, 16,989 dagdag-kaso; 24,123 gumaling

September 15, 2021 @ 4:01 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippiens – Muling bumaba ngayong araw ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Ito ay matapos makapagtala lamang ng 16,989 na karagdagang kaso ng COVID-19 kung saan umabot na sa kabuuang 2,283,011.

Samantala ay mayroon namang naitalang 24,123 na gumaling at 214 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.5% (170,446) ang aktibong kaso, 91.0% o 2,076,823 na ang gumaling, at 1.57% o 35,742 ang namatay.

Ayon sa DOH, apat na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.1% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Ayon pa sa DOH, ang mababang kaso ngayong araw at dahil sa mababang output ng mga laboratoryo  noong Lunes, September 13. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •