COVID Update: 2,196 bagong kaso; 107 patay; 4,409 gumaling

COVID Update: 2,196 bagong kaso; 107 patay; 4,409 gumaling

February 17, 2022 @ 4:00 PM 5 months ago


MANILA, Philippines – Unti-unti nang bumababa ang bilang ng bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na naitatala ng Department of Health habang pinagagaan naman ang alert status sa bansa.

Batay kasi sa pinakahuling datos ngayong araw, ang nadagdag na lamang sa bagong kaso ay 2,196.

Bagamat 107 naman ang nadagdag sa pumanaw, mayroon namang 4,409 na bagong  gumaling.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa o 3,646,793 sa pangkalahatan, ang 66,588 na bahagi nito ay aktibong kaso.

Kabuuang gumaling na 3,524,875 at 55,330  na namatay.

Tulad nang palagiang panawagan ng DOH sa publiko, magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19 at maiwasan pagkakasakit at maaring pagkamatay dahil sa impeksyon dulot ng virus. Jocelyn Tabangcura-Domenden