COVID Update: 29,828 bagong kaso; 67 patay

COVID Update: 29,828 bagong kaso; 67 patay

January 23, 2022 @ 4:16 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ang kaso ng coronavirus disease sa bansa ng 29,828 ngayong Linggo.

Bunsod nito , pumalo na sa kabuuang 3,417, 216 ang tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

Samantala , mayroon namang naitalang 36,763 na gumaling at 67 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.5% (273,580) ang aktibong kaso, 91.0% (3,090,164) na ang gumaling, at 1.57% (53,472) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 21, 2022 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0% sa lahat ng samples na naitest at 0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Una nang nagpaalala ang DOH sa publiko na iwasan muna ang social gatherings ngayong Chinese New Year upang hindi magdulot ng muling pagsirit ng kaso sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden