COVID vaccination pinasimple ng PH gov’t

COVID vaccination pinasimple ng PH gov’t

January 14, 2022 @ 4:10 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Ginawang simple ng gobyerno ng Pilipinas ang rules o tuntunin para sa COVID-19 vaccination, habang nakikipaglaban ang bansa sa “biggest surge” sa coronavirus infections.

“Walk-ins are now allowed at inoculation sites,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“Hindi na rin po kailangan bilang health screening ang pag-monitor sa blood pressure, unless ang babakunahan ay may history ng hypertension o may sintomas ng hypertension at iba pang konsiderasyon na nakabase sa clinical judgement ng doktor sa vaccination site,” ani Nograles.

“Hindi na rin kayo hihingan ng medical clearance at certification para mabakunahan,” dagdag na pahayag ni Nograles.

Aniya, ang mga dokumento ay required lamang sa mga indibiduwal na mayroong autoimmune disease, HIV, at cancer, o kung ang pasyente ay bedridden, sumailalim sa transplant, o binibigyan ng steroid treatments.

“May mga bakuna, mas maluwag na po ang requirements para dito, kaya ‘wag na po tayong magdalawang-isip, magpabakuna na po tayo,” ayon kay Nograles.

“Luluwag ang ating mga ospital at dadami ang mga bakanteng kama kung marami ang protektado sa malubhang sakit dala ng COVID-19. Let’s help our frontliners and let’s help ourselves by getting vaccinated,” dagdag na pahayag nito.

Tinatayang, pumalo na sa 54.4 milyon ng Philippines’ 109 population ang fully vaccinated laban sa COVID-19, at t 4.4 milyong katao naman ang nakatanggap ng booster jabs. Kris Jose