COVID vaccination sa NoKor posibleng umarangkada sa Nobyembre

COVID vaccination sa NoKor posibleng umarangkada sa Nobyembre

September 9, 2022 @ 4:42 PM 3 weeks ago


SEOUL- Ipinahiwatig ni North Korean leader Kim Jong Un na posibleng umarangkada sa isolated country ang COVID-19 vaccinations sa Nobyembre, ayon sa state media nitong Biyernes.

Sa isang talumpati nitong Huwebes sa North Korean national assembly, binanggit ni Kim ang babala ng World Health Organization na posibleng maging mitsa ang taglamig ng pagtaas ng coronavirus infections.

“Therefore, along with responsible vaccination, we should recommend that all residents wear masks to protect their health from November,” aniya na hindi nagbibigay ng iba pang detalye.

Hindi kinumpirma ng North Korea ang pagtuturok ng anumang COVID-19 vaccinations, subalit base sa customs records, nang-import ito ng ilang unspecified vaccines mula sa China nitong taon.

Idineklara ni Kim nitong nakaraang buwan ang tagumpay laban sa COVID-19 at ipinag-utos ang pag-kalos sa maximum anti-epidemic measures na ikinasa noong Mayo at idinagdadg na kinakailangang panatilihin ng North Korea ang isang “steel-strong anti-epidemic barrier.”

Kahit kailan ay hindi kinumpirma ng North Korea kung ilang indibidwal ang nasapul ng COVID sa bansa, na posibleng dahil sa kakulangan ng resources sa pagsasagawa ng malawakang testing.

Sa halip,naiulat nito ang arawang bilang ng mga pasyente na may lagnat, kung saan ymabot ang tally sa 4.77 milyon, sa kabuuang populasyon na tinatayang aabot sa 25 milyon. Subalit hindi na ito nakapagtala ng bagong kaso mula Hulyo 29, at sinabing nananatili sa 74 angf death toll.

Duda naman dito ang mga eksperto at ang WHO, dahil umano sa kakulangan ng testing capacity sa North Korea. RNT/SA