COVID vaccination sa Valenzuela kanselado sa bagyo

COVID vaccination sa Valenzuela kanselado sa bagyo

September 25, 2022 @ 9:16 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isinailalim na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Signal No. 2 ang Metro Manila na nakasasakop sa Caloocan-Malabon-Navotas Valenzuela (CAMANAVA) area dahil sa Bagyong Karding.

Bunsod nito, nagdeklara na ang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council ng Red Alert.

Bilang isang precautionary measure, kinansela ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang lahat ng COVID-19 vaccination activities para sa Setyembre 25.

Sa kaugnay na kaganapan, naglabas ng high tide alert ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas para sa Setyembre 25 na 1.6 meters sa oras na 10:52 a.m.

Pinaghahanda at pinag-iingat ang lahat sa inaasahang epekto ng nasabing bagyo. Merly Iral