COVID vaccination susi sa pagtatapos ng pandemya – NTF exec

COVID vaccination susi sa pagtatapos ng pandemya – NTF exec

January 27, 2022 @ 5:06 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ng opisyal ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na ang pagbabakuna laban sa virus ay susi upang mawakasan na ang pandemya.

Kaugnay ito ng panghihikayat ni NTF Strategic Communications sub-task group on current operations, Assistant Secretary Wilben Mayor sa mga hindi pa bakunado na magpaturok na upang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID.

“Muli ang panghihikayat ng pamahalaan, ang bakuna po ang sagot para malabanan po natin at tayo po ay makaalis – maka-exit tayo sa pandemyang ito,” ani Mayor.

Sa ngayon, nasa 57.8 milyong Pilipino na ang fully vaccinated habang 6,683,975 naman ang naturukan ng booster shots. RNT/FGDC