COVID vaccine hesitancy sa Pinas patuloy na bumababa — SWS

COVID vaccine hesitancy sa Pinas patuloy na bumababa — SWS

January 21, 2022 @ 9:23 AM 7 months ago


Manila, Philippines — Bumaba na ang pangamba ng mga Pilipino sa COVID-19 vaccines, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey.

Nakita rito na tanging walong porsyento na lamang ng matatandang Pilipino ang nangangamba sa pagpapabakuna laban sa COVID.

Batay sa SWS, isinagawa ang survey mula Disyembre 12 hanggang 16, 2021,

Nakita rito na walong porsyento ang ayaw magpabakuna; isang porsyento ang nagsabing ‘probably’ na hindi sila magpapabakuna; habang pitong porsyento ang  nagsabing “surely not.”

Sa usapin naman ng uncertainty, nasa anim na porsyento lamang ang aminadong hindi sigurado sa pagpapabakuna kumpara sa 19 percent noong Setyembre 21; 24 percent noong Hunyo 2021; at 35 percent noong May 2021.

 “On the other hand, the December survey found 50% of adults reporting they got at least one dose of the COVID-19 vaccine. This total consists of 38% reporting they received two doses of the vaccine and 13% reporting they received one dose, correctly rounded,” lahad ng SWS.

“The percentage of those reporting they got at least one dose of the COVID-19 vaccine has steadily increased from 10% (3% two doses, 7% one dose) in June 2021 and 35% (25% two doses, 10% one dose) in September 2021.”

Ayon naman sa mga hindi bakunado, 35 porsyento ang nagsabing handa sila magpabakuna habang 33 percent ang nagsabing “they will surely get vaccinated” at tatlong porsyento naman ang naggiit na “they will probably get vaccinated”.

Natunghayan din sa survey na malaki ang ibinaba ng bilang ng nangangamba sa Mindanao na nasa 17 porsyento.

Pinakamababa naman ang vaccine hesitancy sa Metro Manila.

“On the other hand, the percentage of those reporting they received at least one dose of the COVID-19 vaccine rose in all areas. It rose in Metro Manila, up from 71% (61% two doses, 10% one dose) to 81% (75% two doses, 6% one dose).”

“It rose in Balance Luzon, up from 36% (22% two doses, 13% one dose, correctly rounded) to 52% (39% two doses, 13% one dose).  It rose in the Visayas, up from 21% (15% two doses, 6% one dose) to 37% (27% two doses, 10% one dose).  It also rose in Mindanao, up from 25% (16% two doses, 8% one dose, correctly rounded) to 40% (22% two doses, 18% one dose),” dagdag pa ng SWS.

Sinabi ng SWS na isinagawa ang naturang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults  kung saan hinati ito sa tag-360 sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao. RNT/FGDC