COVID variants ‘di dapat katakutan – eksperto

COVID variants ‘di dapat katakutan – eksperto

June 4, 2022 @ 12:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi umano dapat ikatakot ang mga sumusulpot na variants na COVID-19 ayon kay public health advocate Tony Leachon nitong Sabado, sa kondisyon umanong magpapatuloy ang pagsusuot ng face mask at pagbabakuna upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

“Hindi po dapat kayo matakot sa mga variant as long as ’yung inyong mask at ang inyong pagbakuna ay nandoon kahit dalawang bakuna 2 primary vaccines you’ll be protected lalo na sa panahon ngayon,” giit ni Leachon.

“Dahil po nabakunahan na po ang mga Pilipino ng dalawa at boosters… Tumapang bigla ang mga Pilipino na tumanggap ng maraming variants. So kahit ano’ng dumating na variant ang tingin ko – tapos nagkaroon pa ng natural immunity … ‘Yan ay nagpatapang na sa atin,” patuloy niya.

Sa tulong ng rapid antigen tests, sinabi ni Leachon na maaaring agad na mag-test ang publiko sakaling makaranas ng sintomas ng coronavirus, at mag-isolate.

” ‘Yun hong BA.5 na ‘yan ay anak ng omicron. ‘Yan ay lumalabas sa mga countries na mababa ang vaccination. Itong BA.5 at galing ho ng Africa pero mild na naman po ang cases at hindi po nagtala ng maraming namamatay,” ayon sa kanya.

“Be adaptable to the present condition so that the economy will bounce back para pagkatapos nitong COVID pandemic na ito we can work on the universal health care implementation,” payo pa ng eksperto. RNT/SA