COVID vax certificate makukuha lang ng 7 sa 10 katao dulot ng backlog – DILG

COVID vax certificate makukuha lang ng 7 sa 10 katao dulot ng backlog – DILG

January 14, 2022 @ 3:06 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Mabibigyan lamang ang pito sa 10 indibidwal ng COVID-19 vaccination certificate sa pamamagitan ng VaxCertPH portal dahil sa backlog, batay sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni DILG spokesperson Jonathan Malaya sa The Mangahas Interviews  na ilang local government units (LGUs) ang mas nakatuon sa vaccination program kaysa  sa pag-update ng datos sa online portal.

“Dahil po dito, sa 10 taong nag-apply, pito lang ang may success. Yung tatlo, no record found.”

Inabisuhan din ni Malaya ang mga hindi makakukuha ng kopya ng vaccination certificate na ipresenta lamang ang kanilang vaccination cards oras na inspeksyunin. RNT/FGDC