COVID vax ‘di napinsala ni ‘Karding’ – DOH

COVID vax ‘di napinsala ni ‘Karding’ – DOH

September 27, 2022 @ 4:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Walang nasirang bakuna sa pananalasa ng bagyong Karding, sinabi ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire sa press briefing.

Sa kabila nito,mayroon baman aniyang 21 health facilities sa ilalim ng Kagawaran na bahagyang naapektuhan ng bagyo.

Sinabi ni Vergeire, base sa kanilang assessment, minor damage lamang ang natamo ng kanilang mga pasilidad gaya ng tumutulo at natuklap ang mga bubong at binaha.

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang DOH sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno gayundin sa local government units upang maayos ang mga nasirang mga pasilidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden