COVID vax epektibo pa rin sa BQ.1 Omicron subvariant – DOH

COVID vax epektibo pa rin sa BQ.1 Omicron subvariant – DOH

November 27, 2022 @ 8:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Epektibo pa rin laban sa mga severe cases na dulot ng mga bagong variants ang mga bakuna laban sa COVID-19.

Ito ang inihayag ng Department of Health kasunod ng natuklasang kaso ng BQ.1 subvariant sa bansa nitong Biyernes, Nobyembre 25.

Muli namang umapela si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa publiko na magpabakuna at magpa-booster upang maiwasan ang severe at critical cases maging ang pagkalat ng mga kaso ng sakit.

“As of now, all our vaccines continue to be effective against severe cases caused by detected variants. This is why we continue to appeal to our kababayans to get vaccinated and boosted against COVID-19 on top of other layers of protection, to minimize transmission and in effect, the emergence of new variants,” sabi ni Vergeire sa isang pahayag.

Nananatili rin aniyang nasa low risk ang healthcare utilization at ang mga paghahanda ay isinasagawa na sakaling tumaas ang healthcare utilization rates.

Binigyan diin din ni Vergeire ang kahalagahan ng pagpapalakad ng local at international surveillance at data sharing systems upang matiyak na
ang natural na paglitaw ng mga variant ay palaging natututukan, pinag-aaralan, at ginagamit para i-update ang mga bakuna sa COVID-19.

Nitong Biyernes, naitala ang 14 kaso ng BQ.1 base sa pinakahuling genome sequencing ng UP-Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine, at San Lazaro Hospital mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 18.

Ayon kay Vergeire, ang BQ.1 ay mas nakahahawa at highly immune evasive kumpara sa iba pang Omicron subvariants. Jocelyn Tabangcura-Domenden