COVID vax epektibo vs. Omicron surge — Nograles

COVID vax epektibo vs. Omicron surge — Nograles

January 12, 2022 @ 5:12 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Binigyang-diin ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pagiging epektibo ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines sa gitna ng kasalukuyang surge ng bagong kaso ng nakamamatay na sakit.

“Please allow us to reiterate that the protection provided by vaccines comes not just in the form of reducing the likelihood of infection–it also comes in the form of reducing the risk of developing severe COVID symptoms,” ayon kay Nograles.

“Pag bakunado po kayo, malaki po ang chance na kung mahawa man kayo ng COVID, magiging mild lang po ang symptoms ninyo,” diing pahayag ni Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Ang Pilipinas ay kasalukuyang nakikipagpambuno sa surge sa COVID-19 cases na sinasabing ginatungan ng Omicron variant.

“Kahit matindi makahawa ang Omicron, hindi po tayo helpless; we can do something about it,” ani Nograles.

“Magpabakuna na po tayo, anumang brand ito, para maging ligtas, para sa karagdagang proteksyon natin, ng ating mga mahal sa buhay at ng ating komunidad.”

Ang bansa ay nakapagtala ng bagong COVID-19 infections noong Enero 10, na pumalo sa 33,169 cases.

Sinabi ni Nograles, ang vast majority o 97.1% ng 33,169 cases ay mild symptoms o asymptomatic.

Aniya, habang ang COVID-positive cases na naitala ngayon kumpara sa surge noong Setyembre, kaunting tao lamang ang nakapag-develop ng “severe and critical forms” ng sakit.

“Dahil ito sa malawakang pagbabakuna.”

“Hindi kami magsasawa sa pagpa-paalala: Ang mga bakuna natin laban sa COVID-19 ay may Emergency Use Authorization mula sa Food and Drug Administration. Lahat ng ito ay ligtas at epektibo. Lahat–anuman ang brand–ay nagbibigay ng proteksyon laban sa severe at critical cases ng coronavirus,” dagdag pa  nito. RNT/FGDC