COVID vax ligtas, epektibo sa mga buntis- eksperto

COVID vax ligtas, epektibo sa mga buntis- eksperto

January 20, 2022 @ 4:24 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Siniguro ng isang health expert nitong Huwebes na ligtas at mabisa ang mga bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) para sa mga buntis at breastfeeding.

“Currently, there are no evidences of any adverse, so ibig sabihin wala po masamang epekto na nakikita ang pagbabakuna sa ating mga buntis with the COVID vaccine,” pahayag ni Dr. Sybil Lizanne Bravo ng Philippine Infectious Disease Society in Obstetrics and Gynecology (PIDSOG) sa DOH Kapihan.

“‘Yung mga risk of makunan o magkakaroon ba ng abnormalities si baby… ito ba ay mangyayari? The answer is very very, of course, very obvious, no,” patuloy niya.

Ani Bravo, mild lamang ang naiuulat na side effects kagaya ng hapdi sa injection site, pamumula, pananakit ng katawan, at lagnat.

“Itong mga side effects na ito ay very, very mild at hindi nakakaapekto ng pregnancy,” paglalahad niya.

“Nakita po natin marami po nag preterm labor at nanganak po ang mga ating buntis ng hindi tama sa buwan at sila ay nagsilang ng mga maliliit na babies. Ito po ‘yung gusto natin ma-prevent with vaccination,” patuloy pa ni Bravo.

“As of now, lumalabas po sa surveillance sa US, Canada, and Europe na wala naman po talaga masamang epekto ‘yung mga nabigyan po ng COVID vaccine noong sila ay 8 weeks, or 12 weeks, or less than 14 weeks.”

“Pero sa ngayon sabi nga po natin kailangan pa rin po natin ng maraming studies,” aniya pa. RNT/SA