COVID vax, ligtas sa mga bata – Galvez

COVID vax, ligtas sa mga bata – Galvez

February 5, 2022 @ 11:12 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Tiniyak ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr. na ligtas sa mga bata ang reformulated vaccine laban sa coronavirus disease 2019 .

Sinabi ni Galvez, tuloy na tuloy na ang rollout ng vaccination program para sa 5 hanggang 11 taong gulang sa darating na Lunes, Pebrero 7.

“This is safe and has been studied by scientists across the globe,” Galvez, who is also vaccine czar,” ani Galvez sa isang panayam kasabay ng pagdating ng 780,000 doses ng Pfizer vaccine para sa mga kabataan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Biyernes ng gabi.

Aniya, sa pagdating ng government-procured reformulated vaccine, nakikita na niya ang malayang pamamasyal ng isang pamilya kasama ang kanilang mga anak.

“We are very confident that many people will support the government in the vaccination rollout,” lahad pa nito sabay sabing ito’y mahalaga habang ang bansa ay pasulong tungo sa “new normal”.

Sa kabilang dako, pumalo na sa 167,000 kabataan ang nagpa-rehistro para maging bahagi sa “vaccination of minors” na nakatakda sa Pebrero 7.

“Cebu, Iloilo, and Bacolod are very eager to participate.”

“The Philippine Pediatric Society also supports the country’s vaccination efforts,” dagdag na pahayag ni Galvez.

“I urge the parents to register their children so that we could give them protection against Covid-19.”

Samantala, suportado naman ni US Embassy Chargé d’Affaires Heather Variava ang pagbabakuna sa mga kabataan. RNT/FGDC