COVID vax mas epektibo ng 80% sa mga edad 12-17 – Novavax

COVID vax mas epektibo ng 80% sa mga edad 12-17 – Novavax

February 11, 2022 @ 10:29 AM 8 months ago


US – Iginiit ng Novavax na ang kanilang COVID vaccine ay epektibo ng 82% sa mga nasa edad 12 hanggang 17 noong dominant ang Delta variant.

Plano naman ng US biotech na magsumite ng regulatory approval para sa nasabing age group.

Lumabas sa pa-aaral na ligtas at epektibo ito sa halos 2,200 indibidwal na may edad na 12-17 bilang bahagi ng phase three clinical trial sa US.

“We are encouraged by the results in this adolescent population given the ongoing need for alternative vaccine options,” ani Filip Dubovsky, chief medical officer ng kumpanya.

“We believe the Novavax vaccine could be a differentiated option for this younger population given its established protein-based technology already used in other vaccines, and the positive responses demonstrated against variants.”

Sa ngayon, Pfizer ang ginagamit para sa mga nasa edad 12 hanggang 17. RNT/FGDC