COVID vax may epekto sa dalaw ng babae

COVID vax may epekto sa dalaw ng babae

October 29, 2022 @ 11:41 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nadiskubre ng mga eksperto na may epekto sa buwanang dalaw ng mga babae ang ilang bakuna kontra COVID-19.

Ito ang ibinabala ng European Medicines Agency (EMA) nitong Biyernes, Oktubre 28 kung saan maaari itong magdulot ng heavy menstrual bleeding.

“Cases of heavy menstrual bleeding have been reported after the first, second and booster doses of Comirnaty (Pfizer) and Spikevax (Moderna),” ayon sa ahensya.

Dahil na rin sa datos, sigurado sila na may kaugnayan ang bakuna kontra COVID-19 sa mga insidente ng matinding menstrual bleeding.

Inirekomenda ng EMA na idagdag ang epektong ito sa product information ng dalawang mRNA COVID vaccines.

“There is no evidence to suggest the menstrual disorders experienced by some people have any impact on reproduction and fertility,” dagdag pa sa pahayag ng ahensya.

Sa kabila nito, nananatili naman ang benepisyo ng mga bakunang ito kaysa sa epekto.

Nitong Hulyo pa nagsimula ang National Medicine Safety Agency ng France sa kanilang pakikipag-usap sa mga kababaihan sa isyung ito at kalaunan ay pinasa sa EMA ang kanilang mga naobserbahan. RNT/JGC