COVID vax para sa onsite workers, regular testing para sa mga ‘di bakunado rekisitos ng IATF

COVID vax para sa onsite workers, regular testing para sa mga ‘di bakunado rekisitos ng IATF

June 28, 2022 @ 2:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Habang ang mga manggagawa sa bansa ay nagsisimula nang bumalik sa kani-kanilang trabaho, ang pandemic task force ng gobyerno ay nagbigay mandato sa mga employers na i-require ang kanilang  onsite workers na magpabakuna laban sa virus.

Ito’y matapos na i-update ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang  Covid-19 testing policy ng bansa.

Sinabi ng IATF na ang pagbabakuna sa mga  onsite workers ay dapat na mandatory  sa mga lugar na may sapat na suplay ng bakuna.

Samantala, ang  employers  ay obligadong i-require ang kanilang mga unvaccinated onsite workers na sumailalim sa regular Covid-19 tests, lalo na sa  RT-PCR (reverse transcription polymerase chain reaction) test isang beses kada dalawang linggo o weekly antigen test.

“Testing requirements shall be waived for areas under Alert Level 1, subject to the implementation of clinical-based management, including symptomatic testing. However, testing requirements shall be reinstated in areas under Alert Level 2 or higher,” ayon sa IATF.

“Employees in the public sector, including local government units, may cover the costs of the RT-PCR or antigen tests to be administered, subject to availability of funds, and civil service, accounting and auditing rules and regulations,” ayon pa rin sa IATF.

Exempted naman mula sa testing requirement ang mga manggagawa  na may “recent Covid-19 infection within 90 days and those with alternative working arrangements that do not require onsite reporting.” Kris Jose