COVID vax requirement para sa F2F classes tinanggal ng CHED

COVID vax requirement para sa F2F classes tinanggal ng CHED

August 29, 2022 @ 5:21 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hindi na rekisitos ang COVID-19 vaccination para sa mga estudyante at personnel na makikilahok sa in-person classes sa mga kolehiyo at unibersidad, ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera nitong Lunes.

Orihinal na ipinag-utos ng CHED na dapat na bakunado ang mga estudyante at school personnel to laban sa respiratory illness upang payagang makadalo sa classroom sessions.

Magugunitang ipinagbawal ang in-person classes noong 2020 dahil sa COVID-19, dahilan upang magkasa ang mga paaralan sa Pilipinas ng remote learning. Nitong nakaraang taon ay unti-unti nang binuksan ng mga kolehiyo at unibersidad  sa tradisyonal na classroom setup.

Ayon kay De Vera, nakadepende sa  higher education institutions ang desisyon kung nais nilang ibalik ang bck in-person classes nang full capacityo ipagpatuloy ang pagpapatupad ng remote o blended learning. RNT/SA