COVID vax sapat sa mga kabataan – Galvez

COVID vax sapat sa mga kabataan – Galvez

October 14, 2021 @ 7:06 PM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inanunsyo ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na may sapat na suplay ng bakuna laban sa COVID sa pagtuturok ng mga nasa edad 12 hanggang 17 na magsisimula sa Biyernes. 

“The bulk of our deliveries this fourth quarter, as you have seen in our recent arrivals, are from Pfizer and Moderna. These are the same vaccines that will be used to inoculate our younger population,” ani Galvez sa isang pahayag.

“We already have the supply, and we are ready for the rollout.”

Sa datos, higit 1.3 milyong dose ng Moderna ang dumating noong Sabado na may kabuuang bilang na 85,575,600.

Maaalalang iginawad ng Food and Drug Administration ang emergency use authorization sa Pfizer at Moderna upang maiturok sa edad 12-17. RNT


  •  
  •  
  •