COVID vax tiniyak na ‘Halal’ – BARMM health officials

COVID vax tiniyak na ‘Halal’ – BARMM health officials

February 24, 2022 @ 1:40 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng pamahalaan na magsagawa ng house-to-house vaccination sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang tumaas ang numero ng mga taong protektado laban sa coronavirus.

Sinabi ng Department of Health (DOH), maliban sa house-to-house vaccination na tinatawag na “suyod”, ang iba pang planong aktibidad ay ang pagdaraos ng information caravans, dayalogo sa mga taong patuloy na tumatanggi na magpabakuna, probisyon ng “ayuda” para sa mga taong handang magpabakuna at radio plugging sa rehiyon.

Tiniyak naman ng BARMM health authorities sa Islamic community na ang Covid-19 vaccines ay sertipikado ng Philippine Halal Certification Board bilang “Halal” o pinahihintulutan sa paniniwala ng Islam.

Araw ng Martes, sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chief Myrna Cabotaje na ang relihiyon ay hindi pangunahing dahilan para sa mababang inoculation turnout sa BARMM lalo pa’t sa mga Muslim countries gaya ng Malaysia, Indonesia at Saudi Arabia ay mayroong mataas na vaccination rates.

Kabilang sa mga hamon ng vaccination rollout sa BARMM ay “vaccine hesitancy or vaccine preference; limited manpower; fake news dissemination; late submission of daily vaccination report; and lukewarm support from local chief executives (LCEs) and barangay local government units (BLGUs).”

At upang matugunan ang mga ito, plano ng gobyerno na magpadala ng karagdagang staff para sa data management at mag- hire ng IT technicians at magbigay ng prepaid Wi-Fi and load allowance upang matiyak ang on-time submission ng daily vaccination reports.

“We will ask support from Municipal Mayor, Head of Offices and BLGU and to capacitate and require them to perform their functions in data management, to monitor and evaluate their roles and functional capacity in every bakuna center, and conduct Resbakuna to barangays with less conflict where security and safety is observed,” ayon sa DOH. Kris Jose