COVID vax walang dahilan para pumalya vs Omicron – WHO

COVID vax walang dahilan para pumalya vs Omicron – WHO

December 8, 2021 @ 10:11 AM 10 months ago


GENEVA, Switzerland – Kinalma ng World Health Organization official ang buong mundo sa gitna ng Omicron variant na isang variant of concern at sinasabing mas nakahahawa.

Sinabi ni WHO emergencies director Michael Ryan, na walang indikasyon na nagpapakita na nagreresulta ng mas malalang sintomas ang Omicron variant kumpara sa mga naunang variant.

Sinabi pa niya na ang mga nagawang bakuna laban sa virus ay siguradong gagana at magbibigay proteksyon laban sa Omicron.

“We have highly effective vaccines that have proved effective against all the variants so far, in terms of severe disease and hospitalization, and there’s no reason to expect that it wouldn’t be so” para sa Omicron ani Ryan. RNT