COVID vax wastage, isinisi ng DOH sa mababang interes ng publiko, maiksing shelf life

COVID vax wastage, isinisi ng DOH sa mababang interes ng publiko, maiksing shelf life

December 6, 2022 @ 6:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Maiuugnay ang wasted COVID-19 vaccines sa mas mababang public interest at maiksing shelf life, ayon kay Department of Health officer-in-charge (DOH-OIC) Maria Rosario Vergeire nitong Martes.

Sa media forum, tinanong si Vergeire ukol sa 44 million COVID-19 vaccines na nasayang kamakailan.

“Nandiyan na ang pagbaba ng interes ng ating mga kababayan sa pagbabakuna. Kung mapapansin niyo, in spite of the, all efforts, best efforts ng local governments, mobilized our partners from the private sector, partners from our medical societies, at lahat lahat na—from government agencies. Pero talagang mababa na ngayon ang uptake ng pagbabakuna,” ani Vergeire.

Ipinaliwanag din ni Vergeire na nag-peak ang vaccination rates noong Disyembre 2021, subalit nagsimulang bumaba noong Enero 2022.

Base sa OIC, mas maiksi rin ang shelf-lives ng COVID-19 jabs kumpara sa mga bakuna sa ibang sakit.

“They are just in their [Emergency Use Authorization], so the manufacturers, they produce the vaccines at a much shorter shelf life,” pahayag ni Vergeire.

Nakararanas din umano sa ibang bansa ng wastage ng COVID-19 vaccines, ayon kay Vergeire.

Inihayag ng World Health Organization noong Hulyo 2021 na maiksi ang shelf life ng COVID-19 vaccines, dahilan upang magtakda ng mga panuntunan kung paano maiiwasan ang wastage, kabilang ang pag-monitor sa datos sa paggamit ng mga bakuna at paglikha ng mga istreatehiya para sa distribusyon. RNT/SA