COVID wave sa Pinas, posible sa pagsulpot ng sub-variants – eksperto

COVID wave sa Pinas, posible sa pagsulpot ng sub-variants – eksperto

October 23, 2022 @ 2:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Posibleng umanong magkaroon muli ng “wave” ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa mga subvariants, sabi ni OCTA Research Prof.Guido David.

Ang pahayag ni Guido ay kasunod ng iniulat na mga kaso ng mga bagong subvariants ng COVID-19 kung saan inaasahang lalong tataas ang mga kaso dahil sa mga gatherings ngayong sunod-sunod ang holiday season.

Dati aniya ay medyo kampante pa ang mga tao dahil kapag nagkaroon ng wave ‘pag bumaba na ay mayroong pansamantalang immunity ng three months bago magkaroon muli ng ibang wave.

“Ngayon hindi, puwedeng sunod-sunod ito eh kasi katatapos Lang natin BA.5 tas pumasok agad itong XBB– puwedeng may susunod na naman,” pahayag ni Guido sa Balitaan sa Maynila forum.

Pero aniya hindi dapat mamuhay nang may takot bagama’t minsan ay nakagugulat na lamang na matapos bumaba ang mga kaso ay  biglang mayroon muling darating na subvariants sa bansa.

Ayon kay Guido, hindi na ito maiiwasan at ang puwede na lamang gawin ay maghigpit pero ang ekonomiya naman aniya ang maapektuhan. Jocelyn Tabangcura-Domenden