CP Group ng Thailand, nangako ng karagdagang investments sa Pinas

CP Group ng Thailand, nangako ng karagdagang investments sa Pinas

November 17, 2022 @ 4:45 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nangako ang Thai conglomerate na CP Group na gagawa sila ng karagdagang investments sa Pilipinas pagdating sa aquaculture, bigas, at swine production, kasunod ng pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bangkok, Thailand.

Sa nasabing dinner meeting, nagpahayag ng interes ang CP Group officials na magkaroon ng kolaborasyon sa Pilipinas sa baboy, bigas, mais at aquaculture, at maging sa pagpapaunlad ng sinasabing value chain ng mga nasabing industriya upang maiugnay ang mga ito sa local consumers.

Ang CP Group ang itinuturing na pinakamalaking pribadong kompanya ng Thailand na mayroong $2 bilyon investment sa Pilipinas.

Ang “largest at most significant Thai investment” sa agrikultura ng bansa ay ang Charoen Pokphand Foods Philippines Corporation (CPFPC), isang subsidiary ng Charoen Pokphand Foods Public Company Limited (CPF).

Nagsimula ang operasyon sa Pilipinas ng CPFPC noong Mayo 2010 na mayroong inuupahang feeds mill na matatagpuan sa Guiguinto, Bulacan.

Taong 2012, ang nasabing kompanya ay gumawa ng karagdagang investments sa aquaculture at agro-business sa bansa.

Maliban sa shrimp at fish hatchery farms, nagtayo rin ang kompanya ng isa sa pinakabagong aquaculture feed mills na matatagpuan naman sa Bataan.

Nakagagawa ang feed mill na ito ng ipapakain para sa tilapia, hito, bangus at shrimp feeds para sa Vanamei at Manodon.

Nangako naman si Pangulong Marcos na paghuhusayin ang aquaculture industry sa Pilipinas, na aniya’y mahalaga para makamit ang food security, lalo pa’t ang pangingisda ay nagsisilbing importanteng pangkabuhayan para sa mga Filipino.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang naging pakikipagpulong kay Aboitiz Group president at CEO at APEC Business Advisory Council (ABAC) PH member Sabin Aboitiz at mga kasama nito nang dumating siya (Pangulo) sa Thailand, araw ng Miyerkules, Nobyembre 16 kung saan humirit siya ng pinaigting na partnerships at manghikayat na rin ng mga mamumuhunan.

“[Aquaculture] is an area where the Philippines can do well… So that’s something that we are not doing a lot, and I really feel that we are missing an opportunity because we are a country with over 7,000 islands. I am sure that there are many places that are suitable for this kind of operation,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“I think the timing is correct. There are many opportunities. I suppose the most important thing is that we are able to forecast a little bit, which direction the economy is going and how we in the Philippines or any other country position themselves to take full advantage of the new post-pandemic global economy,” wika pa ng Pangulo.

Idagdag pa, ang pakikipagpulong ni Marcos sa mga business executives sa Bangkok ay nagbigay pagkakataon naman dito para ulitin niya na ang sentro ng kanyang administrasyon tungo sa economic transformation ay palakasin ang ugnayan sa pagitan ng public at private sectors.

“The economic transformation of the Philippines, the centerpiece is our private and public partnership, and this is something we feel we will need to encourage for the simple reason that it cannot be done just by government,” ayon sa Pangulo.

“It’s something that we need to encourage to gain that synergy that we are all looking for as we find our way in the new economy,” aniya pa rin.

Nauna nang iniulat ng Pangulo na nito lamang buwan ng Agosto ng taong kasalukuyan, nakapagtala ang gobyerno ng kabuuang 74 PPP projects, na may pinagsamang estimated cost na P2.25 trillion.

“The public and private sectors must work together to develop more infrastructure and energy projects, among others, as well as more projects for agriculture – all that will empower and strengthen the economy,” giit ng Pangulo. Kris Jose