CPP, bukas sa pagpapatuloy ng peace talks matapos pumanaw si Sison

CPP, bukas sa pagpapatuloy ng peace talks matapos pumanaw si Sison

December 19, 2022 @ 9:40 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – BUKAS ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa gobyerno kasunod ng pagpanaw ng founding chairman nito na si Jose Maria “Joma” Sison.

Sinabi ni CPP chief information officer Marco Valbuena na binanggit ni Sison noong buwan ng Hulyo na puwedeng ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan kung gusto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“The doors of the NDFP (National Democratic Front of the Philippines) and the CPP are always open to peace negotiations as a means of addressing the social and economic roots of the people’s armed resistance, as long as all past agreements will be reaffirmed and respected,” ayon kay Valbuena.

Subalit sinabi nito na “the US-controlled defense/security establishment in the Philippines” ay maaaring salungatin ang pagpapatuloy ng negosasyon “because they are only interested in waging war.”

Muli namang inulit ng Makabayan bloc sa Kongreso ang panawagan nito para sa pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng national government at CPP kasunod ng pagkamatay ni Sison para “attain a just and lasting peace.”

Pumanaw ang founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria “Joma” Sison, na nasa self-exile sa Netherlands, sa edad 83.

Binasura naman ni valbuena ang naging pahayag ng department of national defense (dnd) na ang pagpanaw ni Sison ay simboliko ng “crumbling hierarchy” ng cpp-npa-ndfp.

“the dnd is daydreaming that ka joma’s passing will lead to the crumbling of the party and the revolutionary cause. it is testimony to ka joma’s excellence as a revolutionary leader that the party has produced large numbers of cadres and leaders capable of carrying forward the revolutionary cause far into the future,” ang wika nito.

“Ka Joma has long laid down the ideological and theoretical foundations on which the Party and its leadership stands and the framework for advancing the people’s cause for national and social liberation,” dagdag na pahayag ni Valbuena. Kris Jose