CPP ‘di magdedeklara ng ceasefire ngayong holiday

CPP ‘di magdedeklara ng ceasefire ngayong holiday

December 19, 2022 @ 3:34 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Communist Party of the Philippines (CPP) nitong Lunes na hindi ito magdedeklara ng ceasefire ngayong holiday season sa kabila ng pagpanaw ng founding chairman nito na si Jose Maria “Joma” Sison.

Inihayag ng information bureau ng CPP na walang nakikitang rason ang central committee upang magdeklara ng ceasefire dahil patuloy pa rin ang pagde-deploy ng combat troops ng Armed Forces.

“The Central Committee, hereby, directs the New People’s Army (NPA)… to actively fight and frustrate the AFP’s campaign of armed suppression,” pahayag ng CPP.

Sinabi ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar nitong nakaraang linggo na hindi kinokonsidera ang ceasefire sa communist rebels ngayong holiday season.

“The ceasefire is out of the question now because, number one, we do not know who to talk to. The leaders are into hiding, some are neutralized,” pahayag ng opisyal.

Ikinasa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa unang taon ng kanyang panunungkulan, subalit winakasan ito nioong November 2017, dahil umano sa “lack of accountability” ng mga rebelde sa mga krimen na ginawa nila. RNT/SA