CPP founder Joma Sison, pumanaw na

CPP founder Joma Sison, pumanaw na

December 17, 2022 @ 10:52 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Communist Party of the Philippines na pumanaw na sa edad na 83 ang founding chairperson nito na si Jose Maria Sison nitong Biyernes ng gabi matapos ang dalawang linggong confinement sa ospital.

Si Sison, dating youth leader at university professor na nagtatag ng CPP at ng New People’s Army, ay naka-exile sa Netherlands mula late 1980s. Madalas din siyang mapaulat na namatay na. Subalit ayon sa party nitong Sabado ng umaga, totoo na ang balita sa pagkakataong ito.

“The Filipino proletariat and toiling people grieve the death of their teacher and guiding light,” ayon sa CPP nitong Sabado at iginawad ang “highest possible tribute” kay Sison na tinawag nitong “great Marxist-Leninist-Maoist thinker, patriot, internationalist and revolutionary leader.”

“Even as we mourn, we vow to continue to give all our strength and determination to carry the revolution forward guided by the memory and teachings of the people’s beloved Ka Joma,” dagdag ng CPP.

Itinatag ni Sison ang CPP noong Disyembre 26, 1968.  Ang armed wing nito na New People’s Army ang pinakamatagal na communist insurgency sa Asya. RNT/SA