CPP: Joma ilibing sa Pinas

CPP: Joma ilibing sa Pinas

December 18, 2022 @ 9:19 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa kagustuhan umano ng iba’t ibang grupo at indibidwal na mailibing sa bansa ang yumaong founder at top rebel leader Jose Maria “Joma” Sison.

Sinabi ni Marco Valbuena, CPP public information officer,  na ang mga labi o abo ni Sison ay dapat ibalik sa bansa “in accordance to his wishes as a Filipino and for them (groups and individuals) to give their last respect and farewell to the man they consider their teacher and inspiration in the revolution.”

Sinabi ni Valbuena na nakikipag-ugnayan ang CPP sa pamilya ni Sison sa Utrecht, Netherlands.

Si Sison, 83, ay namatay sa isang ospital sa Utrecht noong Biyernes, Disyembre 16, alas-8:40 ng gabi, oras ng Pilipinas.

Hindi naman na nagbigay ng iba pang detalye ang Ang Bayan, ang CPP news outlet, ukol sa dahilan ng pagkamatay ni Sison.

Si Sison ay nanirahan sa self-exile sa Europe mula nang maputol ang usapang pangkapayapaan sa gobyerno noong 1987. RNT