CPP-NPA-NDF, planong manggulo sa oath-taking ni Marcos – ex-rebels

CPP-NPA-NDF, planong manggulo sa oath-taking ni Marcos – ex-rebels

June 16, 2022 @ 7:46 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nagpaplano na ang communist terrorist group (CTG) na manggulo sa oath-taking ceremony ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30.

Ito ang nagkaisang pahayag at pagsisiwalat ng dating mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa idinaos na Tagged media briefing ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC), araw ng Lunes.

Sa katunayan, ayon sa mga dating rebelde na sina Orlando “Ka Warly” Baluyot, ngayon ay chairman ng Tinang Samahang Nayon Multi-Purpose Cooperative, at Ka Pong Sibayan, magsasaka mula sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac na nagsisimula na ang CTGs na iorganisa ang mga magsasaka sa kanilang lalawigan.

Maliban sa Hacienda Tinang, ang mga opisyales at miyembro ng CPP-NPA-NDF legal front organizations ay nagsasagawa na ng pagpupulong kasama ang mga magsasaka malapit sa Hacienda Murcia at Barangay Central inside Hacienda Luisita.

“Iyon ang nakita natin na gagawin nila sa June 30 bago maupo si Pangulong Bongbong Marcos,” ayon kay Baluyot.

Ang mga magsasaka aniya sa mga nasabing lugar ay organisado na ng naturang front groups.

“Katunayan, nagkaroon na ng mga talakayan sa Hacienda Murcia. Iyong Hacienda Murcia ay part din ng Tarlac City na kung saan malapit na malapit din ito sa Hacienda Tinang ,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Baluyot na ang mga magsasakang ito ay may problema sa kanilang lupain at di umano’y nakatanggap na ng eviction threats.

idinagdag pa niya na may ilang miyembro ng left-leaning organizations ang madalas na nakikita na nanggagaling mula sa nabanggit na lugar dahil nais nito na labanan ng mga tao ang gobyerno.

“Talagang ayaw nilang maupo si Bongbong Marcos. Talagang patunay na talagang magkukuwan na naman ang kabilang grupo sa Barangay Murcia at Barangay Central. Kasi sa barangay Central, mayroon ding nagsasabi sa amin na mga Anakpawis na nagkukuwan doon. Sa Barangay Murcia naman ang nagkukuwan sa kanila diyan kaya alam ko na balak ng Anakpawis – si Atty. Jobert Pahilga ang attorney nila diyan – na agawin iyong lupang nabili ng mga mall diyan,” ang pahayag ni Sibayan.

Aniya pa, bukod sa mga lugar sa Tarlac na binanggit ng mga ito, may iba pang front organizations ang abala sa pagmo- mobilize ng mga grupo mula sa iba’t ibang bayan gamit naman ang mga kabataan sa kanilang propaganda.

Sinabi ni Sibayan na ang grupo ng mga kabataan na ito ay “not aware they are only being used”, ay aktuwal na mga biktima.

Dahil dito, nanawagan si Sibayan sa mga magulang na mahigpit na imonitor ang kanilang mga anak.

“Kaya kawawa iyong mga kabataan na dapat ang mga magulang ay bantayan (nila) dahil walang ginagawa itong kabilang grupo dito (kung hindi) ipahamak ang mga kabataan. Dapat maawa sila sa mga magulang nila. Kung gusto nilang tumulong, bakit hindi sila tumulong sa gobyerno para mahinto na ang kaguluhan? Pero sa ginagawa naman nila, ang gusto nila sila iyong gobyerno. Kabaligtaran ,” ayon kay Sibayan. Kris Jose