CPP recruitment sa mga paaralan, matagal nang isyu – CHED

CPP recruitment sa mga paaralan, matagal nang isyu – CHED

October 8, 2018 @ 1:55 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Old issue na para kay Commission on Higher Education (CHED) Commissioner at Officer-in-Charge Prospero De Vera ang Gawain ng Communist Party of the Philippines (CPP) na mag-recruit ng mga estudyante para sumapi sa kanilang kilusan.

“Ang tingin ko dito kasi, kuwan ito eh, hindi naman bagong issue ito. All over the world, groups that want to topple government, extremist groups… ang pinaka-target talaga nila ng recruitment has always been universities because you have young people who are idealistic, who wants change to happen tomorrow,” pahayag ni De Vera sa isang panayam sa radyo.

Dagdag pa ni De Vera, ang tanging problema nga lamang ay kung ang mag-recruit ay extremist na gaya ng nangyayari sa ibang bansa.

Matatandaang nitong nakalipas na linggo ay naglabas ang Armed Forces of the Philippines ng listahan ng mga unibersidad at kolehiyo na pinupuntahan ng CPP para mag-recruit para sa kanilang umano’y planong Red October destab plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay De Vera, nagkausap na sila nina Philippine National Police (PNP) spokesman Senior Superintendent Benigno Durana Jr. at National Capital Region Police Office (NCRPO) head Chief Superintendent Guillermo Eleazar nitong weekend para pag-usapan ang isyu.

Nagkasundo aniya silang magdayalogo sa mga eskwelahan, hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Nilinaw rin ng commissioner na ginagawa laman ng militar at kapulisan ang kanilang trabaho para protektahan ang estado.

“‘Wag nating masamain sila dahil ang trabaho nila under Constitution is to protect the integrity of the State. They are doing their job. They are looking out for individuals or groups whose mission is to destroy the government,”aniya. (Remate News Team)