CPP sa NPA: Mga kaaway tirahin!

CPP sa NPA: Mga kaaway tirahin!

March 29, 2022 @ 10:12 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Sa ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag ng New People’s Army, ipinag-utos ng Central Committee of the Communist Party of the Philippines (CPP-CC) nitong Lunes sa NPA na magtatag ng special armed units upang tirahin ang kahinaan ng mga kalaban at mga local tyrant sa mga bayan at lungsod.

Sa mensahe sa NPA sa naturang okasyon, iginiit ng CPP-CC na dapat umanong parusahan ang “fascist criminal bosses” na responsable sa dumaraming bilang ng umano’y extrajudicial killings at iba pang krimen.

“There is a public clamor for the revival of urban or rural-based units that can strike at the weak points of the enemy units and elements based in towns and cities, such as local tyrants and other bad elements and police units culpable for red-tagging, abducting, torturing and killing people with impunity,” ayon sa mga ito.

Hinikayat din ng CPP ang NPA na magsagawa ng “special tactical offensives” upang hadlangan ang sistema ng komunikasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa kanila, ang pag-atakeng ito “can effectively sabotage the capabilities of the enemy wherever possible and carry out punitive measures against vulnerable enemy units and elements” na maaaring magtulak sa AFP na bawasan ang pwersa nito laban sa guerrilla fronts.

Iniutos din ng CPP sa NPA na magsagawa ng “widespread punitive actions combined with blows to the head” sa militar at mga pulis.

Sa parte naman ng Department of National Defense , ang mga komunistang rebelde ang responsable sa mga patayan at paghihirap.

“Over the years, the NPA took pride in committing lawless activities such as extortion, destruction of civilian-owned properties, and undermining the government, all in the name of their so-called ideology,” giit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana. RNT/SA.