Crawford vs Ugas sisiklab sa Hunyo?

Crawford vs Ugas sisiklab sa Hunyo?

January 5, 2022 @ 1:13 PM 7 months ago


MANILA, Philippies – Giniba ni WBO welterweight champion Terrence Crawford  (38-0, 29KOs) noong Nob.  20, 2021 si dating two time welterweight champion Shawn Porter sa 10th round  ng kanilang 12 round fight.

Mahalaga ang naging laban ng dalawa na naging sukatan ng kanilang mga tikas bukod pa sa ang laban ang huling contractual  fight sa ilalim ng Top Rank ni Bob Arum, ang dating promoter ni Crawford.

Maari nang pumili si Crawford ng kalaban at pumili rin ng sinomang promoter na nais niyang makasama sa kanyang career ng pangmatagalan, manatiling free agent o’ makalagda para sa totoong kalaban at bumuo ng isang promotional team at mai-promote ang sarili.

Kaya naman nasasabik ang  boxing fans na makitang makasagupa ni Crawford ang kapwa welterweight counterpart na si Errol Spence  (27-0, 21KOs) na hawak din ang WBC/IBF version ng welterweight title upang magkaalaman na kung sino ang pinakamagaling. Ang problema lang hindi makalagda sina Crawford at Spence dahil magkaiba ang kanilang promoters.

Nakaiskedyul sana noong Agosto 2021 si Spence na sagupain si Boxing Hall of Famer Manny Pacquiao pero nagkaroon si Spence ng detached retina sa kaliwang mata nang masuri ng Nevada State Athletic Commission at puwersahang umatras sa naturang laban.

Nagtagumpay naman ang operasyon sa kanyang mga mata at muli na siyang pinayagan na mag-training.  Inanunsiyo ni Spence na magbabalik siya sa Marso o Abril 2022 laban sa kapwa WBA welterweight champion na si Yordenis Ugas (27-4, 12KOs).

Sa sandaling matalo ni Ugas si Spence, walang duda na si Ugas ang unang undisputed 4 belt champion at welterweight (WBA/WBC/WBO IBF) at unang Cuban fighter na sa sandaling panahon ay hahakot ng milyong dolyar. At kapag natalo ni  Ugas si Spence, tiyak nang si Crawford vs Ugas sa June o July 2022.JC