Creamline babawi vs Cherry Tiggo

Creamline babawi vs Cherry Tiggo

November 28, 2022 @ 10:21 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tinalo ng CIGNAL ang Creamline sa  4 sets — 23-25, 25-23, 28-26, 25-18 – upang makalapit ng isang laro sa pagsungkit sa finals berth sa 2022 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Naduplika ni Tai Bierria ang kanyang conference-high na may 21 puntos sa 17 pag-atake, kasama ang tatlong block at ace para i-rally ang HD Spikers sa 2-0 (win-loss) slate sa semifinals sa pagsagupa kontra sa grand slam-seeking Cool Smashers.

Isang panalo na lang at tiyak na ang pagpasok ng HD Spikers sa unang finals appearance sa PVL matapos magkasya sa  bronze sa 2022 Open and Invitational Conference.

“Kilala naman natin ‘yung Creamline na talagang mahirap silang talunin kung hindi mo sila paghahandaan at hindi ka magpapakundisyon,” ani Cignal head coach Shaq Delos Santos.

 “I think first time namin na manalo against Creamline sa semifinals so malaking opportunity sa amin na maging better pa kami sa susunod na game namin.”

Nalaglag ang Cool Smashers sa 1-1, ngunit ang multi-titled team ay nanatiling handa sa naising makapasok sa ikawalong sunod na finals appearance.

Naghatid si Alyssa Valdez para sa Cool Smashers sa pagkatalo na may 20 puntos at 22 digs, habang si Yelo Basa ay may 17 puntos sa 15 atake.

Sunod na sasagupain ng crowd favorite na Creamline ang Cherry Tiggo Crossovers sa Martes sa Araneta Coliseum sa ganap ng 5:30 ng hapon.JC