Creamline kampeon sa PVL invitational conference; Taipei ‘di nakaporma

Creamline kampeon sa PVL invitational conference; Taipei ‘di nakaporma

August 15, 2022 @ 6:52 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Maagang tinapos ng Creamline ang KingWhale Taipei, 25-21, 25-19, 25-8, upang sakmalin ang 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference championship nitong Linggong sa Mall of Asia Arena.

Bumida sa panalo sina Conference MVP Tots Carlos at Jema Galanza na may tig-14 at 13 puntos at habang tinalo ng Cool Smashers ang Taipei sa unang pagkatalo sa torneo.

Ito rin ang kanilang ikalimang titulo sa kabuuan sa pitong finals appearances ng Creamline.

Ang Cool Smashers ay natalo sa Taipei sa kanilang elimination-round na paghaharap at nanatiling walang talo hanggang sa muling paghaharap nila ang Creamline sa finals ng conference.

Dinala nina Galanza at Carlos ang load sa opensa na may pinagsamang 43 kills laban sa 30 ng Taipei habang sina Alyssa Valdez at Ced Domingo ay may tig-dalawa sa pitong ace ng Cool Smashers laban sa Taiwanese.

Si Domingo ay may mas maraming block points kaysa sa buong KingWhale side na may apat laban sa tatlo ng mga kalaban, habang nagtapos siya ng 11 puntos patungo sa kanyang unang Finals MVP plum.

Si Beatriz Flavio de Carvalho ang nag-iisang binuhat ang Taiwanese Club nang magtapos ito na may 12 puntos at siyam na digs.JC