Creamline kinuha si Gervacio

Creamline kinuha si Gervacio

April 8, 2021 @ 4:09 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines — Nagdagdag ng lakas ang Creamline Cool Smashers Beach Volleyball team at kinuha ang serbisyo ni Perlas Spikers Dzi Gervacio.

Ayon sa ulat, swak na sa Creamline si Gervacio na beterano na sa beach volleyball competitions.

Isiniwalat ng Cool Smashers ang pagkuha kay Gervacio sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

“We are so excited about having you on our team. With your expe­rience, you will be a great addition to Creamline beach volleyball,” ayon sa Cool Smashers.

Makakasama ng dating A­teneo de Manila University opposite hitter sa Creamline beach volleyball team na sina Sisi Rondina, Bernadeth Pons at Dij Rodriguez.

Hindi na bago si Gervacio sa beach volleyball kasama sina Rondina, Pons at Rodriguez.

Matatandaang sumungkit ng tansong medalya ang tambalan nina Rondina at Pons at nina Rodriguez at Gervacio noong 2019 Southeast Asian Games beach volleyball competition na ginanap sa Subic.

Ayon sa ulat, naghahanda rin ang apat sa pagsabak sa 2021 SEA Games na idaraos sa Hanoi, Vietnam sa huling bahagi ng taon.

Hangad ng tropa na malampasan ang bronze-medal finish nito noong 2019 edisyon. Rico Navarro


  •  
  •  
  •