Credentials ng 2 bagong foreign envoy tinanggap ni Duterte

Credentials ng 2 bagong foreign envoy tinanggap ni Duterte

December 16, 2021 @ 8:35 AM 9 months ago


Manila, Philippines – Malugod na winelcome ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang dalawang bagong envoy mula Nigeria at Bangladesh na nag-presenta ng kanilang diplomatic credentials sa Malakanyang.

Ang dalawang ambassador ay sina Folakemi Ibidunni Akinleye ng Nigeria at F.M. Borhan Uddin ng Bangladesh.

Sa pag-welcome kay Akinleye, umaasa ang Pangulo na mas mapalalakas pa ang bilateral cooperation sa aspeto ng mutual interest ng dalawang bansa.

“We look forward to deeper engagement bilaterally and in various multilateral fora to advance our shared aspiration for peace and prosperity for our peoples,” ayon sa Pangulo.

Para naman kay Akinleye, nangako ito na i-facilitate ang “signing and accelerated implementation” ng bago at umiiral na bilateral agreements sa pagitan ng dalawang bansa.

“To this end, Your Excellency, I will work tirelessly during my stay in office to improve on our friendship while we engage in mutual beneficial cooperation in the areas of trade, medical exchange program, information technology, maritime security, education and tourism,” ayon kay Akinleye.

Samantala, sinabi naman ni Pangulong Duterte kay Uddin na ‘looking forward’ siya na makita ang marami pang bilateral exchanges lalo pa’t kapuwa naman ginagawa ng 2 bansa ang full post-pandemic recovery at sustainable growth.

“Your arrival comes at a very auspicious time for next year we will celebrate the golden anniversary of diplomatic relations between the Philippines and Bangladesh,” ayon sa Chief Executive.

Para naman kay Uddin, kapuwa kailangan ng dalawang bansa na makahanap ng bagong areas of cooperation para sa mutual benefits ng mga ito.

Aniya, maaaring magkaroon ng mahalagang gampanin ang pribadong sektor para “increasing and diversifying bilateral trade and investment.”

“During my tenure, I will do my best to further deepen our friendship and strengthen bilateral cooperation to harness optimum level of mutual benefits,” lahad ni Uddin. Kris Jose