Credit card fraud sa Pinas, ‘record low’ – Visa

Credit card fraud sa Pinas, ‘record low’ – Visa

February 17, 2023 @ 10:48 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bumulusok sa record low ang insidente ng credit card fraud sa Pilipinas, ayon sa global payments technology company Visa nitong Huwebes, dahil sa introduksyon ng “tokenization” technology, na nagko-convert sa sensitibong data ng cardholders sa token para gawing secure ang pagbabayad.

Sa media roundtable sa Pasay City, sinabi ni Visa head of risk for Southeast Asia Louis Smith na binuksan nila ang tokenization solutions noong 2016 upang labanan ang payment fraud.

Ipinaliwanag ni Smith na na nade- “devalue” ng tokenization solutions ang sensitibong datos ng cardholder, gata ng 16-digit credit card number, dahil kino-convert ang datos sa single-use “token” na nagsisilbing proxy o substitute para sa real transaction data, na nagiging “useless” para sa hackers.

Dahil sa tokenization ng datos at paglipat sa shift digital payments mula sa traditional brick-and-mortar transactions, sinabi ni Smith, “In the Philippines… card fraud is at a record low… and consistently coming down.”

“In the last two to three years… fraud numbers [have been] really, really low and well-controlled,” aniya.

“Tokenization plays a big factor in securing transactions,” dagdag ni Smith.

Sa buong mundo, sinabi ni Smith said na kasunod ng pagkakasa ng tokenization solutions, nagkaroon ng 28 porsyentong pagbaba sa fraud cases at 3% pagtaas sa bilang ng transaksyong naaaprubahan. RNT/SA