BAWAL NA ABORSYON AT BABAE MAHALIN

KATAKOT-TAKOT na away ang nagaganap sa Amerika kaugnay ng bagong desisyon ng United States Supreme Court na wakasan na ang kalayaan ng mga kababaihan na magpalaglag ng kanilang sanggol sa sinapupunan.
Inilabas ang desisyon kamakailan na nagpapawalang-saysay sa naunang USSC decision sa kasong Roe vs Wade noong 1973 na nagbigay-kalayaan sa pagpapalaglag dahil protektado umano ng Konstitusyon ng Amerika.
Isa sa mga umaaway ngayon sa Hukuman si President Joseph Biden mismo na nagsabing inalisan ang mga kababaihan sa kanyang bansa ng napakahalagang karapatan.
Binubuo ang kalayaang lubos na pagpapalaglag sa ipinagbubuntis sa unang tatlong buwan at pagsusuri muna bago abortion sa sanggol na 4-6 buwan ngunit bawal na ito sa ika-7-9 na buwan.
ABORTION CLINICS NAGSARA KAAGAD
Mabilis na umaksyon ang mga may klinika sa abortion dahil na rin sa patakarang likha ng trigger law o instant ban kung tawagin.
Matapos na lumabas ang balita ukol sa bagong desisyon sa mga pahayagang online, nagsara rin agad ang maraming abortion clinic, lumayas ang mga doktor, nars naiwang nakanganga ang mga nakapilang magpalaglag at mga escort o recruiter nila.
Ang iba na bukas, hinarang at pinasara ng mga demonstrador na kontra-aborsyon.
Maraming estado ang sumunod agad sa trigger law subalit may mga hindi umaksyon kaagad at magpapalipas pa ng mga araw o panahon bago nila pairalin ang desisyon o kaya’y idaraan umano sa halalan ang desisyon.
Ang mga estadong hindi agad nagpatupad ng desisyon ay nagsabing huwag daw naman sanang harangin ng iba ang pupunta sa kanila para magpalaglag.
LUMILIPAD SA MERIKA PARA MAGPALAGLAG
Bigla nating naalaala ang ilang Pinoy na pumupunta sa Amerika para magpalaglag.
Ayaw nilang malaman ng publiko na nabuntis sila.
Kung bakit, sila lang ang nakaaalam.
Subalit may galing sa mga sikat na larangan gaya sa pag-aartista at ayaw nilang masira ang kanilang mga pangalan.
Meron ding mga politiko na gumagawa nito para hindi rin masira ang kanilang mga reputasyon, lalo na kung alanganin ang relasyon ng mga ito na makaaapekto sa panunungkulan nila sa gobyerno.
PAANO SA PINAS?
Ang pagkakaalam ng ating Uzi, may mga nakahain na batas sa Kongreso para maging ligal ang aborsyon sa Pinas at kakambal ito ng panukalang batas na maging ligal din ang same-sex marriage o lalaki sa lalaki o babae sa babae na kasalan.
Pero kinokontra lagi ang mga ito ng maraming simbahan, pangunahin ang Simbahang Katolika.
Dahil naman sa desisyon ng mga Kano, maaaring mahirapan na makalusot din sa Pinas ang anomang panukalang para sa aborsyon.
Ang mabuti pa, dapat mag-ingat na lang ang mga ayaw magbuntis.
At ang mga kalalakihan, huwag naman sanang gumawa nang gumawa ng isang bagay na ikasasama ng mga kababaihan kaugnay ng pagbubuntis.
Mahalin nila ang kababaihan at hindi buntisin lang tapos itulak na magpalaglag.
o0o
Anomang reklamo o puna, iparating lang sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.
PUNONG PUNO NG PAG-ASA SA ARBOR DAY

Noong Hunyo 24, 2022, nagsagawa ng sabay-sabay na pagtatanim ng puno sa loob ng Metro Manila at sa iba’t ibang lokasyon ng probinsya na pinaglilingkuran ng mga business unit ng Manila Water.
Taong-taon isinusulong ang pangangalaga sa kapaligiran habang ipagdiriwang ang Philippine Arbor Day. Ang tema ng Kick-off event para sa taong ito ay “Punong Puno ng Pag-asa”.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga ahensya ng gobyerno, government-owned and controlled corporation (GOCC), private sector at paaralan.
Kabilang dito ang National Water Resources Board (NWRB), Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Quezon City LGU, ABS-CBN Foundation, Quezon City Science High School at Brent International School.
Ang kanilang pakikilahok ay nagpapahiwatig ng kanilang suporta, pakikipagtulungan at pangako sa isang malakas na partnership at commitment na manatiling maging champion sustainability.
Ipinaliwanag ni Jocot de Dios, President at CEO ng Manila Water na ang pagdiriwang na ito ay bahagi ng patuloy na pangako ng kompanya sa Economic, Environmental, Social and Governance (EESG) initiatives.
Idinagdag din ni De Dios na napakahalaga ang naisagawang aktibidad, ang pagsusulong ng mas matibay na stakeholder partnership, gayundin ang pagkilala sa pangangailangan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang partner, local government units at national government agencies sa “rehabilitation at regreening ng kapaligiran upang maisulong ang mas malusog na ekosistema para sa mga tao.
Nagtanim ang mga kalahok ng 400 bagong seedlings sa lugar na nakapalibot sa La Mesa Reservoir na nagsusuplay ng treated water sa maraming lugar sa east zone ng Metro Manila.
Tinapos ito ng lecture sa vermicomposting at Luntian Talks, na tumatalakay sa maraming mahahalagang punto tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran, pagtatanim ng puno, at mga benepisyo nito sa mga watershed.
PNP GENERALS NAGSISIKUHAN SA PWESTO

Halos lahat nang posisyon sa paparating na administration ay ipinakilala na pero hindi pa inaanunsyo ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. kung sino ang magiging hepe ng Philippine National Police.
Ang Pambansang Kapulisan ay isa sa ahensya ng pamahalaan na malaki at napaka-importante ang role na ginagampanan sa lipunan kaya marahil pinag-iisipang mabuti ni PBBM kung sino ang karapadapat sa puwesto.
Hangad at pangarap ng bawat police general na ma-appoint na PNP chief, hindi lamang dahil sa makukuhang mataas na posisyon kundi dahil sa kikitaing datung.
Marahi lmarami ang magagalit sa ating mgaopisyal ng kapulisan sa ating kuwento pero yan ang katotohanan dahil ang kalakaran na ‘kitaan’ sa PNP, kumbaga ay nakagawian na, ‘di lang taon kundi nagtagal na ng dekada.
Sa PNP, ang kita ay sa pamamagitan ng maniobra sa pondo pero maliit lang ang naibubulsa ng kita dito dahil ang paldong kita ay mula sa mga operasyon ng iligal, tulad ng droga at nagkalat na sugalan sa buong bansa.
Number 1 siyempre na pinakamalaking kita ay ang PNP boss na nakasawsaw sa lahat ng pagkakitaan – mula PNP funds hanggang kotong sa mga financier at operator ng lahat ng uri ng kailigalan na nag-ooperate.
Bukod sa PNP chief, ang sumunod na pinag-aagawan na puwesto ay ang Regional at district positions dahil ang pera sa command na ito ay kaliwa’t kanan din ang dating dahil sa samu’t saring operasyon ng iligal.
Kung may isa pang puwesto na ninanais at pinag-aagawan din ng mgaheneral ay Criminal Investigation ang Detection Group. Para ma-appoint kang CIDG chief, aba’y milyones ang kita dahil sa bigay ng iligalista.
Samanatala, ayon sa aking insider sa Camp Crame, nagkakaroon na ng ‘sikuhan’ ang mga heneral para makapuwesto. Kanya-kanyang hanap na raw ng padrino ang mga ito para makakuha ng puwesto sa bagong administrasyon.
GEN. ANTONIO YARRA NADEDELIKADO
Si Region 4A director Antonio Yarra – ayon sa ating Crame insider –ay nanganganib na masibak sa puwesto dahil failure daw ito sa kanyang pamumuno, napakaraming krimen at ‘di masugpo ang nagkalat na bisyo.
Ang friend ni PBBM na si Senator Bong Revilla ang dinidikitan at pinakikiusapan daw ni Yarra para ‘di matanggal na Calabarzon police director.
Ang lakas ng loob magpatulong kay Sen. Revilla. Kung ang simpleng sumbong na hulihin ang nagkalat na pergalan ng isang Aling Tessie sa kanyangAoRay ‘di pa magawa, ngayon ay nais pa niyang manatili sa puwesto.
Non-performer siYarra kaya tiyak na sisibakin siya ni PBBM.
PRETTY BOY GOYO

Ang langgam nga naman, dumarayo kung saan may pulot pukyutan. Ito po ang kwento sa nagbabadyang umpugan sa pagitan ng mga Muslim na agresibong nagsulong sa kandidatura ng tinaguriang Bad Boy ng Pelikulang Pilipino at isang kasador ng senador na kilalang super-close sa paretirong Pangulo.
Ang kwento ng ating kasangga, umuusok sa galit ang mga Muslim. Kasi, ang mga Muslim ang nagsakripisyo pero nu’ng mag-number one si Bad Boy Senator-elect Robin Padilla, iba na ang bumabakod… si Pretty Boy Goyo.
Ano nga ba ang ikinagagalit ng mga Muslim kay “Pretty Boy Goyo?” Anila, ‘di na sila makadirekta kay Padilla. Lahat kailangang dumaan sa bakod ang mga kukuning tao sa tanggapan ni Senator-elect Padilla, consultants, pati budget ng opisina at iba pa.
Ano ba si Pretty Boy Goyo sa Senado? Isa ba siyang tagahawi, tagasala o sadyang epal lang?
Ang totoo, wala naman masama sa pagpapairal ng tinawag na protocol. Bukod sa seguridad, bentahe rin sa ilalim ng mga umiiral na protocol ang kaayusan sa isang tanggapan ng pamahalaan kesehodang ehekutibo, lehislatura o hudikatura.
Pero ang pakialaman ang lahat, tila ito ay kalabisan naman. Katunayan, maski consultants sa gobyerno, limita-do lang ang saklaw ng mandato. May consultant for political affairs, for media affairs, business development, usaping ligal lalo pa’t umiikot sa pagbalangkas ng batas ang trabaho nitong si Robin Padilla sa Senado.
Well sa aking ginawang pananaliksik, may nakapag- bulong sa akin na sabit din pala si Pretty Boy Goyo sa isang ahensya ng gobyerno, ang Philippine Information Agency (PIA). Pero ang mga nakapwesto sa naturang ahen-sya ng gobyerno, tikom ang bibig. Bakit kamo?
Kasi nakasandal sa pader ang alanganing damuho.
Ang masaklap pa rito, mga tsong, ginagamit pa ni Pretty Boy Goyo ang pangalan ng mga senador sa kanyang mga diskarteng bulilyaso tulad ng mga transaksyong kalakip sa pondo ng bawat senador. Ang kanyang diskarte, magpasok ng kontratista kapalit ang bonggang ganansya sa mga proyekto’t programa.
Pero, mga igan, sa gitna ng gitgitan kontra-Muslim na tagasuporta ni Padilla, ano ba ang kanyang mahihita? Pera palit pwesto? Hindi naman siguro o baka higit pa!
PASUGALAN SA CAVITE LALONG DUMARAMI
Uy, ang balita ko, hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang operasyon ng iligal na pasugalan ni Emily sa Buhay na Tubig sa Cavite na nakapagtataka kung bakit hindi kumikilos at hindi hinuhuli ni Cavite PLTCOL. Marlon Santos.
Hindi kaya nagkakaroon si hepe kaya siya nagbubulag-bulagan?
Paging: PNP chief Gen. Vicente Danao, Sir, hindi pa natatapos ang gusot sa pinasukan ninyo.
Heto na naman ang mga bata mo na sangkot sa pangungunsinti sa iligal na pasugalan sa lalawigan ng Cavite, lalo na sa Buhay na Tubig sa Cavite City.
Aksyon, mga bosing!
o0o
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o email sa juande[email protected] o juande[email protected]
DSWD AYUDA PABILISIN
