Crime index bumaba; crime solution gumanda sa huling 5 taon

Crime index bumaba; crime solution gumanda sa huling 5 taon

October 13, 2021 @ 6:44 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inanunsyo ni Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar na bumaba na ang crime index habang patuloy na gumaganda ang crime solution sa nagdaang limang taon.

Sa Laging Handa briefing, Eleazar, sinabing bumaba ang crime index ng 64%.

“Kung kinumpara natin iyong sa crime prevention natin, kung dati noong first five years ay umabot 1.1 million itong naitalang index crime, ay ngayon ay umaabot na sa 400,000,” paliwanag nito.

Aniya, gumanda rin ang ‘crime solution’ sa 26% na nangangahulugang nareresolba ang isa sa bawat dalawang kaso.

“Doon naman sa pangalawang function natin na crime solution, tumaas po ng 86%,” dagdag pa ni Eleazar. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •