Crime rate sa MM, bumaba

Crime rate sa MM, bumaba

July 6, 2018 @ 7:53 PM 4 years ago


Hindi nasayang at hindi rin nagkamali ng pagpili si Philippine National Policechief Gen. Oscar Albayalde kay National Capital Region Police Office chief Gen. Guillermo Eleazar dahil bumaba ang crime rate sa Metro Manila.

Ang isa kasi sa mga dahi­lan dito sa Metro Manila ay ang pag-aplay  ng makabagong  pi­tong “factor” ni Gen. Eleazar, kabilang na ang “war on drugs.” Kaya naman parang isang jet plane ang bilis ng pagbaba ng ‘statistical re­cords’ sa 25% sa unang anim na buwan ng 2018 kung ikukum­para sa kaparehong panahon no­ong 2017.

Walang pagdududa na napakalaki ng kaibahan ng ibinabang crime rate sa Duterte administration kung ikukum­para natin sa unang dalawang taon ng July 2016  hanggang  June 2018. Mas malaking ‘di hamak ang binaba ng crime rate sa  49% kung ikukumpara sa crime rate sa Aquino administrasyon.

Bakit? Dahil may malasakit at mahal ni Pang. Rodrigo Duterte ang mamamayan. Pagka­upo na pagkaupo niya, kaagad niyang inalerto ang Philippine National Police para puksain ang lahat ng uri ng krimen at illegal drugs sa bansa.

Sinang-ayunan ito ng PNP sa pamamagitan ng pagpuksa sa krimina­lidad at talamak na illegal drugs kaya tuluyang nabawasan ang paglaganap  ng mga ito sa pa­nahon ng Duterte administrasyon.

Kabilang sa mga factor na inuna ni Gen. Eleazar ang “war on drugs” ni Duterte na kitang-kita naman natin kung gaano kaepektibo dahil sa agresibong kampanya rito.

Pero inuna muna ni Guillor ang “internal cleansing” sa ha­nay ng kapulisan at ang pag-implementa ng discipline and ethics building programs sa lahat ng PNP commissioned officers at non-commissioned officers.

ASTIG PA RIN ANG MAGKABAKAS      

Sa kabila ng reklamo ng mga taga-Baguio City, wala pa ring tigil ang operasyon ng tatlong mesa ng pwesto pijo na drop ball at color games ng magkabakas na Kap. Biagtan at alias Nestor sa pusod ng palengke na halos abot tanaw lang ang barangay hall ng Kayang, Baguio City.

Ito namang si Baguio City Chief of Police Supt. Ranil Seculles ay nagbibingi-bingihan gayung hindi naman bingi sa patuloy na operasyon ng pa-drop ball at color games ng dalawang magkabakas.

Parokyano ng dalawa ang mga tindero at tindera sa pa­lengke na paminsan-minsan ay dinrayo rin ng mga drug adiktus dahil buong magdamag na  nakabukas ang nasabing pasugalan. Umiikot-ikot lang naman ang mga patrol ni Seculles sa lugar. Hehehe!

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 0926­6719269 o i-email sa juande­[email protected] – JUAN DE SABOG