Crime rate sa Pinas bumulusok ng halos 12%

Crime rate sa Pinas bumulusok ng halos 12%

October 25, 2022 @ 6:57 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bumulusok sa halos 12 porsiyento ang antas ng crime rate sa walong focused crime noong Setyembre, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Nakasaad sa Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS) na ang index crime ay bumulusok sa 11.98 porsyento noong Setyembre.

Katumbas ito ng 2,690 na krimen, mula sa 3,056 na naitala noong Agosto.

Lubos na bumaba ang index crime sa Luzon ng 5.96 percent o 102 cases; ang Visayas ng 10.24 porsiyento o 67 kaso; at Mindanao ng 28.47 porsyento o 197 kaso.

Ang walong focus crimes ay homicide, rape, at murder ay nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba sa panahon ng Agosto-Setyembre sa 26.09 porsyento, 25.99 porsyento, at 20.67 porsyento, ayon sa pagkakabanggit. RNT